Matapos ang mga pahayag ni Raquel Pempengco, nanay ni Jake Zyrus na dating si international singing sensation Charice Pempengco, tungkol sa concert ni Canadian singer-composer David Foster at tila pasaring kay Asia's Phoenix Morissette Amon, tila dedma naman daw ito sa mga pinagsasabi ng una.

Morissette, wala raw binatbat sa 'legendary' anak na si Charice, sey ni Raquel Pempengco

Sa katunayan daw, ayon sa isang Facebook fan page ni Mori, opisyal nang finallow ng Canadian singer-composer ang sikat na mang-aawit sa Instagram.

Wala pa ring pahayag mula kay Foster o mula sa kampo ni Amon tungkol sa mga naging pahayag ni Pempengco.

Aware naman daw ang nanay ni Jake na marami ang naimbyerna sa kaniyang Facebook post tungkol sa saloobin niyang wala pang sinumang singer ang puwedeng tumapat sa kaniyang anak.

Bagama't marami ang umookray sa kaniya ngayon at sa anak na si Jake, natuwa rin siya dahil marami rin naman siyang nabasang magagandang komento tungkol sa anak. Marami rin namang nagsabing wala ngang makatatapat sa timbre ng boses ni Charice na minahal hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng iba't ibang nasyonalidad sa daigdig.

Kaya lang, siyempre ay marami ang nanghihinayang sa ginawa ni Jake, na ngayon ay nagbago na rin ng timbre ng boses at genre matapos sumailalim sa sexual reassignment.