Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao de Oro nitong Huwebes ng umaga, Marso 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:37 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 12 kilometro ang layo sa timog-silangan ng New Bataan, Davao De Oro, na may lalim na 1 kilometro.

Naiulat ang Instrumental Intensity IV sa Nabunturan, DAVAO DE ORO

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Wala naman umanong inaasahang posibleng aftershocks dahil sa lindol.

Hindi rin inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.