Isa ang naiulat na nasawi habang apat pang tripulante ang nailigtas matapos masunog ang sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Hadji Muhtamad sa Basilan nitong Miyerkules ng gabi.

Hindi na isinapubliko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkakakilanlan ng nasawi at apat na nailigtas sa insidente.

Sa Facebook post ng PCG, kaagad silang naglunsad na search and rescue operation matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay ng pagkakasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 sa malapit sa Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad nitong Marso 29 ng gabi.

Ayon sa Coast Guard Sub-Station (CCSS) na naka-base sa Maluso, Basilan, nasagip pa nila ang apat na tripulante. Gayunman, isang babae ang namatay sa insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagbabantay pa rin ang CC Station sa Basilan dahil posibleng magkaroon ng oil spill sa lugar.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.