KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, Laguna – Arestado ng pulisya ang isang suspek sa panggagahasa sa Calamba City, nitong lalawigan, nitong Martes, Marso 28.

Sinabi ni Laguna Police Provincial Office director Col Randy Glenn Silvio na ang suspek, residente ng Calamba City, ay most wanted person ng Police Regional Office 4-A sa regional level.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant na inilabas ng Family Court ng Regional Trial Court (RTC) Branch 58 sa Calamba City na may petsang Marso 22, 2023.

Nahaharap siya sa limang bilang ng acts of lasciviousness at dalawang counts ng statutory rape.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inirekomenda ng korte ang P180,000 na piyansa para sa bawat act of lasciviousness case ngunit wala sa kasong rape.

Nasa kustodiya na ngayon ng city police custodial facility ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

“I assure you that the victim will get justice and we will hold this accused accountable to the law. Nagpapasalamat din tayo sa ating mga mamamayan sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan sa ating pulisya at sa mabilis na pag-aresto sa mga akusado na nagtatago sa batas,” ani Silvio.