Fresh na fresh ang datingan ng comedian-actress na si Rufa Mae Quinto sa kaniyang bagong endorsement photoshoot. Kaya't hindi rin papakabog ang hanash niya hinggil sa salitang "purity."

Sa isang Instagram post nitong Martes, Marso 18, inupload niya ang ilang sa larawan niya sa photoshoot ng kaniyang bagong endorsement. 

Bukod dito, naglagay rin ng kuwelang caption si Rufa Mae hinggil sa "purity" na talaga nga namang kabog na kabog sa rhyming.

"Purity is next to clarity, positivity, activity, possibility, tranquility, serenity, serendipity, virginity and simplicity. Ty!!!" sey niya. 

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"My family friends fans fff hooray!!!" dagdag pa niya sa dulo ng post. 

Laughtrip tuloy ang mga followers niya sa Instagram:

"Fan niyo po ako since nagdadalaga pa lang ako! 😂 Booba days! 😂"

"tawang tawa ako sa caption ms. rufa 🤣"

"Motto in life hahaha"

"Yeshhhh virginity is the best policy! 😂"

"The best caption Haha"