Maituturing na "birthday gift" para kay Kapamilya star Kathryn Bernardo ang tatlong pelikulang gagawin niya sa Star Cinema at subsidiary nitong Black Sheep Productions ngayong taon.

Ang unang pelikula ay sa ilalim ng Star Cinema at makakasama niya rito ang international award-winning actress na si Dolly De Leon, na may pamagat na "A Very Good Girl."

Pangalawa naman, reunion movie nila ng award-winning director na si Olivia "Inang" Lamasan na "Elena 1944" na sinasabing action-drama ang tema at tungkol sa comfort women noong Japanese invasion sa Pilipinas.

Ang pangatlo naman, pelikula nila ng reel at real boyfriend na si Daniel Padilla sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina na may working title na "After Forever."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Masayang-masaya ang mga tagahanga ni Kathryn sa mga panibagong blessing ng kanilang idolo, na tanging natitira na lamang sa tatlong frontline love teams ng ABS-CBN.

Nabuwag na ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre gayundin ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil at ang nananatiling matatag na lang ay ang KathNiel.

Pero eventually raw, susubukan na ng ABS-CBN na i-level up individually sina Kathryn at Daniel at baka posibleng ipareha na sila sa iba.