Napagdesisyonan ni John Casimero o mas kilalang, 'Angas ng Pinas' na ibenta ang kaniyang naging “kontrobersyal” na WBO championship belt sa negosyanteng Boss Toyo.

Sa isang episode ng ‘Pinoy Pawnstars' ng rapper na si Jayson Luzadas rapper o mas kilala bilang “Boss Toyo,” lumapit si Casimero sa Pawn shop para ibenta ang kaniyang WBO belt sa halagang 1.2M.

Nang tanungin ang Pinoy boxer kung bakit niya ibinebenta ito, sinabi nito na magpupursige na lang umano siya makapanalo ng isa pa mula sa ibang world champions sa kaniyang mga magiging laban.

"Ibebenta ko to kay Boss Toyo kasi bagay to sa kaniya," ani Casimero

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ayon sa rapper naman, makatarungan naman ang P1.2 M lalo pa't world champion si Casimero. Gayunpaman, hindi pumayag sa unang offer ang rapper dahil kailangan pa niyang mamuhunan.

Nagpagdesisyunan ni Boss Toyo na mula sa P1.2M, ay offeran ito ng P400,000. Ngunit hindi ito tinanggap ng dating boxing champion.

Sa huli ay nagkasundo na bibilhin na lamang ito sa halagang P1.2 M kung sakaling manalo si Casimero sa kaniyang laban ngayong darating na Mayo.