Mukhang aprubado naman kay It's Showtime host at tinaguriang "Dyosa" na si Anne Curtis-Heussaff ang pakikipagrelasyon ng kanilang ina ni Jasmine Curtis Smith na si Carmen Ojales sa jowa nitong mas bata sa kaniya ng halos 10 taon.

Kamakailan lamang ay bumisita ang ina at ang jowa nito sa studio ng noontime show.

Tinukso ni Anne ang kaniyang ina at boyfriend nitong si Jayde, 40-anyos, na noon ay naispatang nakaupo sa audience seat.

“I do things that we enjoy, tulad na lang nandito 'yung mama ko ngayon," sey ni Anne.

Momshie nina Anne at Jasmine Curtis, blooming at masaya sa piling ng jowa; flinex lambingan sa TikTok

"Blooming si Mama ngayon. Blooming kasi si Mama ngayon, may lovelife!” dagdag niya.

Kung bibisitahin ang TikTok ni Carmen, makikitang lagi niyang fine-flex ang jowa na isang OFW sa UAE.

Matagal nang separated ang kaniyang ina at ang ama nilang Australian national na si James Ernest Curtis-Smith. Kuwento ni Anne, 16 pa lamang siya nang maghiwalay ang mga magulang. Marami rin sila aniyang half-siblings.