Suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry System ngayong Semana Santa, ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Marso 27.

Magsisimula ang tigil na operasyon nito sa Abril 5 (Miyerkules Santo) hanggang Abril 10.

Gagamitin ng MMDA ang naturang pagkakataon upang maisagawa ang maintenance activities sa kanilang ferry boat.

Babalik ang normal na operasyon ng Pasig River Ferry System sa Martes, Abril 11.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos