Viral ngayon sa social media platforms ang mga larawan ng isang lalaki na kinikilalang Christian Montenegro na taga-Columbia kasama ang pamilyang pawang mga manikin.

Ikinagulat naman ng netizens ang mga nagsilabasang kuwento na umano'y totoong dahilan kung bakit ang kinikilalang asawa't dalawang niyang anak na babae at lalaki ay mga manika.

Sa mga post na kumakalat sa Facebook, si Christian umano ay nakakaranas ng delusional disorder o ang kondisyon kung saan wala na siyang kakayahan na makapagsabi kung alin ang totoo at alin ang gawa lamang ng kaniyang imahinasyon.

Pinangalanan ni Christian ang kaniyang asawang manikin na Natalia Ortiz at ginawan niya pa ito ng sariling account para doon niya i-upload ang mga larawan kung saan magkasama sila.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Dahil dito sinabi ng netizens, na wala umano sa matinong pag-iisip si Christian. Ngunit, sabi naman ng mga eksperto, posibleng si Christian ay mayroong objectophilia, isang psychiatric condition kung saan nakakaramdam siya ng sexual at emotional attraction sa mga bagay.

Sa iba pang kumakalat na posts, sinabing nasangkot umano sa isang aksidente ang pamilya ni Christian kung saan pumanaw ang kaniyang asawa at dalawang anak. Hindi niya umano ito matanggap dahilan kung bakit gumawa siya ng manika na kahawig ng kaniyang mga mahal sa buhay.