Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Batanes nitong Linggo ng tanghali, Marso 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:43 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 58 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes, na may lalim na 20 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks dahil sa lindol.

Wala rin umanong inaasahang pinsalang maidudulot ang nasabing pagyanig.