Inamin ng dating Hashtags member na si Wilbert Ross na naging biktima siya ng isang boss na "power tripper" sa noontime show na "It's Showtime."

Ayon sa panayam ng PEP, humantong pa noon na sinaktan niya ang sarili dahil sa pinagdaanang depresyon, matapos "pag-initan" ng naturang boss na hindi na niya pinangalanan, at hindi na rin tinukoy kung naroon pa ngayon sa noontime show.

Ayaw daw sa kaniya ng naturang boss dahil siya raw ang pinaka-unattractive sa 16 na miyembro ng all-male group na pinangungunahan nina McCoy De Leon, Ronnie Alonte, Zeus Collins, Nikko Natividad, Bugoy Carino, at ang mga lumipat na sa Kapuso Network na sina Jon Lucas at Luke Condes.

Nagawa raw niyang hiwain ang pulso ng mga sandaling iyon dahil sa labis na depresyon, subalit hindi naman humantong sa pagkitil sa sarili. Nais lamang daw niyang maramdaman ang sakit. Sa ngayon, natatakpan na ang mga peklat ng tattoo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nakarating daw sa kaniyang kaalaman na sa tingin daw ng boss na ito ay hindi niya deserve mapabilang sa Hashtags. Dumating pa sa puntong sa huling minuto ay pinapalitan na kaagad siya bilang guest sa "Minute To Win It" na isa sa mga naging game show ng Kapamilya Network, hosted by Luis Manzano.

Sa ngayon ay aktibo si Wilbert sa mga pelikulang napapanood sa Vivamax.