Ikinulong ng mga pulis ang isang lalaking pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos magbiro na may bomba sa Shaw Boulevard station nitong Miyerkules ng gabi.

Sa report ng Mandaluyong City Police, nakapila umano ang suspek papasok ng istasyon ng tren nang magbiro umano sa guwardiya na may bomba sa naturang lugar.

Kaagad na inaresto ng mga security guard ang pasahero at dinala sa presinto.

“The passenger was turned over to the Wack Wack Police Station, Substation 3 at about 9 p.m. of the same day,” ayon sa pahayag ng pamunuan ng MRT-3.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nahaharap na sa kasong paglabag saPresidential Decree 1727 o "Anti-Bomb Joke Law" ang suspek.

Philippine News Agency