Tiwanag na “balimbing” ng fans ni Zeinab Harake ang Pambansang Marites na si Xian Gaza matapos umano itong sumawsaw sa isyu ni Zeinab, at dating nobyo na Skusta Clee.

Dinepensahan ni Xian ang sarili nang sabihan siya ng fans ni Zeinab na isa daw siyang “balimbing.” Ito ay kasunod ng kaniyang pag-post ng picture kasama sina Skusta Clee, Angelica Yap at Flow G.

Sa ibinahaging litrato ni Xian sa kaniyang personal na Facebook, makikitang magkasama sila Angelica. 

Ani Xian, na taong 2020 pa umano silang magkaibigan ni Angelica, “Sabi ng mga fans ni Zeinab eh balimbing daw ako kasi tinropa ko si Angel. Para po sa kaalaman ng lahat eh magkaibigan na kaming dalawa since January 2020.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Pinakilala siya sa akin ni Sachzna sa Thailand at Singapore,” kuwento ni Xian sa post.

Hindi umano siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito, dahil sa paglalarawan niya sa kaniyang sarili, para raw siyang Venn diagram na nag-iisang tao sa gitna.

“Here's the funny plot twist: Si Angel at Sachzna ay hindi na okay ngayon. Si Zeinab at Sachzna ay hindi rin okay. Si Angel at Zeinab ay hindi din okay. Kung ilalagay natin sila sa isang Venn diagram eh ako yung isang tao sa gitna nila.”

Kung kaya’t imbes na tawagin umano siyang “balimbing” ay dapat mas tawagin siya bilang “tunay na kaibigan”.

“Siguro instead of saying na balimbing ako, mas appropriate yung "tunay na kaibigan". Na kahit mag-away away pa kayo eh nandito ako para sa inyong lahat. Walang magbabago. Hindi ako makikisawsaw sa gulo niyo pero kapag may kalaban kayo ay asahan niyo ko sa tabi niyo. See less.”