Apat na smuggler ang kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) dahil umano sa pagpupuslit ng sibuyas sa bansa.

Sa pahayag ng BOC, ang kaso ay isinampa ng Bureau' s Action Team Against Smugglers (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) dahil umano sa paglabag sa Customs laws.

Unang ipinagharap ng kaso ang isang importer at customs broker na sangkot umano sa pagpupuslit ng refined sugar na sakay ng 13 container van sa Manila International Container Port kamakailan,

Dalawang kasong kriminal naman ang iniharap sa isa pang importer at customs broker dahil sa iligal na pag-aangkat ng 58 container van ng asukal sa Port of Subic.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Gayunman, hindi na isinapubliko ng BOC ang pagkakakilanlan ng apat na kinasuhan.