May heartfelt message ang aktres na si Sarah Lahbati para sa 5th birthday ng kaniyang anak na si Kai.

"Seems like you were just born yesterday. happy fifth birthday to our precious & sweet bubba kai," saad ni Sarah sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Marso 1, kalakip ang video ni Kai noong baby pa lamang ito.

"Thank you for bringing into our lives so much love and joy. you are such a blessing to us that we can never thank God enough," dagdag pa niya. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Si Kai ang pangalawang anak nina Sarah at Richard Gutierrez, na sumunod sa panganay na si Zion. 

Sa naturang post, marami rin ang nagpaabot ng pagbati kay Kai.