Ibinahagi ng Kapuso comedy star na si Pokwang ang kaniyang karanasan sa loob ng isang eroplanong pagmamay-ari ng isang sikat na airline.

Kuwento ni Pokie sa kaniyang tweets ngayong madaling-araw ng Marso 22, bigla siyang nilapitan ng isang babaeng flight attendant ng Philippine Airlines sa kaniyang upuan, kinumusta at niyakap. Patungo sa San Francisco, California, USA ang komedyante.

"ma share ko lang, this madam FA from @flyPAL nilapitan ako sa aking upuan habang nasa kalagitnaan ng flight to SanFran niyakap ako at sinabing, laban lang mahal ka namin at naniniwala kami sa katatagan mo bilang ina, nanay din ako kaya ramdam kita, hay naiyak ako e 😢 thank U po."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/pokwang27/status/1638293549849657344

Niretweet naman ni Pokwang ang tugon ng PAL sa kaniya.

"We care for you, Marietta! Mothers are our strongest protectors of the household, at natutuwa kaming nakapag-iwan ng magandang impression ang aming SFO crew. We are your home in the sky. Stay strong! ❤"

https://twitter.com/flyPAL/status/1638321773661011969

Matatandaang may pinagdaraanan ngayon si Pokwang hinggil sa relasyon nila ng kaniyang ex-partner na si American actor Lee O'Brian kaya siya ngayon ang mag-isang bumubuhay sa kaniyang pamilya.