Ito na nga, kamakailan ay ibinahagi ni Kapuso star Valeen Montenegro ang isang home update sa isang Facebook reel.

Isang keyless, at battery-powered device ang bagong lock ng pinto ng “Bubble Gang” star sa kaniyang tinitirhang condominium.

Sa maikling clip, ibinahagi ng aktres ang installment at ilang feature ng bagong lock upgrade.

Pag-flex pa ni Valeen, pwedeng fingerprint scan, digital code, susi o key card ang pwedeng pagpilian para maacess ang lock.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“How cool is that?! Oh! Plus it’s connected to the Wi-Fi so you can lock and unlock using your smart phones,” sey ng “Balitang Ina star.

Ilang queries din sa viral nang post ang matiyagang sinagot ni Valeen.

Nasa mahigit 1.1 million views na ang naturang reel sa pag-uulat.