Dedma si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan Windorski sa panlalait ng ilan sa korte ng baba niya.
Sa katunayan, ayon sa panayam ni Bea sa “The Long Take” noong Martes, Mayo 5, sinabi niyang gusto pa nga raw niyang tinatawag siyang mangga.
“Another one of my, like, the bashing comments that I actually really like is people call me 'mangga' because of my face shape,” saad ni Bea.
Dagdag pa niya, “But mangoes are my favorite fruit. So, okay, go on. Call me 'mangga.'”
Matatandaang minsan na ring ibinahagi ni Bea ang tungkol sa naranasan niyang pambubully noon.
Ngunit natutuhan din naman niyang tanggapin kalaunan ang imperpeksyong ito dahil nakuha raw niya ang hulma nito sa kaniyang nanay at lola.
“I would rather honor the stories of the women who came before me than fit a certain beauty standard," paliwanag niya.
Ipinanganak si Bea sa Milwaukee, Wisconsin, United States noong 2002. Mula siya sa pamilya ng mga imigrante. Ang kaniyang dugong Pinoy ay galing sa panig ng nanay niya.
Bagama’t kasalukuyang naninirahan sa Makati, ang La Union na nirerepresenta ni Bea ay probinsya ng kaniyang lola’t lolo.
Nakatakda niyang katawanin ang Pilipinas sa global stage para sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na gaganapin sa Nobyembre 2026.
Maki-Balita: Proud sa imperfections! Bea Windorski, na-bully dahil sa baba niya