Inamin ng La Union candidate at itinanghal na Miss Universe Philippines 2026 na si Bea Millan Windorski na kahit beauty queen siya, nakaranas din siya ng pambu-bully sa kaniyang physical appearance.
Sa panayam kay Bea matapos ang coronation night na ginanap sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Sabado ng gabi, Mayo 2, sinabi ni Bea na naokray na siya ng bashers dahil sa kaniyang chin.
Inspired daw si Bea sa kasalukuyang Miss Universe 2025 na si Fatima Bosch dahil naipagpatuloy raw niya ang pagrereyna sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan sa pagkakapanalo ng korona at titulo.
"I'm inspired that she's able to continue hr reign and stand up for herself despite all the criticisms because this journey has been really difficult for me," paliwanag ni Bea.
Aminado raw siyang natutuhan na niyang tanggapin ang mga bagay na hindi na mababago sa kaniyang sarili, kagaya nga ng kaniyang chin.
"Things that I can't change about myself, ahm, some bullying about my physical appearance, but it comes with the territory, and she inspired me..." sundot pa ni Bea.
Hindi naman makapaniwala ang mga miyembro ng media sa sinabi ni Bea na nakaranas siya ng pambu-bully.
Nang tanungin kung saang banda siya na-bully, "My chin, but my chin is something I love cause it's the same chin as my mom, as my lola, and I would rather honor the stories of the women who came before me than fit a certain beauty standard," paliwanag niya.
Ipinanganak si Bea sa Milwaukee, Wisconsin, United States noong 2002. Mula siya sa pamilya ng mga imigrante. Ang kaniyang dugong Pinoy ay galing sa panig ng nanay niya.
Bagama’t kasalukuyang naninirahan sa Makati, ang La Union na nirerepresenta ni Bea ay probinsya ng kaniyang lola’t lolo.
Maki-Balita: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?