KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, Santa Cruz, Laguna – Arestado ng pulisya ang isang suspek na panggagahasa sa isinagawang manhunt operation nitong Sabado, Marso 18, sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa hepe ng Biñan City police na si Lt. Col. Virgilio Jopia, sa isang ulat kay Laguna police director Col. Randy Glenn Silvio, ang suspek na residente ng Binan City na si "Wilfredo," ay naaresto sa Barangay Santo Tomas.

Si Wilfredo ay dinakip sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Jaime E. Banatin, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 152 na may petsang Marso 16, 2023.

Inirekomenda ng korte ang P120,000 na piyansa para sa suspek.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nangako si Silvio na walang patid ang paghahanap ng mga wanted na indibidwal para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Danny Estacio