Tuluyan nang nakapasok sa semifinals ang San Miguel Beermen matapos ilaglag ang Converge, 121-105, sa kanilang quarterfinal round sa PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Kumana ng double-double si Beermenimport Cam Clark sa nakolektang 40 points at 13 rebounds.

Ipinamalas ni Clark ang solidong laro nang maglaglag ng 16 markers sa third quarter matapos habulin ang limang puntos na bentahe ng Converge sa first half.

Kumarga rin ng 26 points si CJ Perez, dagdag pa ang 12 rebounds, habang naghulog naman ng 20 points ang kakamping si Vic Manuel.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Naghulog naman ng 39 points si FiberXers import, New Zealand national player Tom Vodanovich habang ang teammate na siMaverick Ahanmisi ay nagpreserba ng 18 points.