Kinilala ang social media personality at chief executive ng isang beauty products company na si Glenda Victorino bilang "Inspiring Filipina - Young Entrepreneur."

Pinarangalan ng Philippine Center for Entrepreneurship (PCE), isa non-stock, non-profit organization, sa pamamagitan ng kanilang "Go Negosyo" ang CEO ng Brilliant Skin Essentials dahil sa pagiging inspirasyon nito sa iba pang entrepreneur partikular na sa mga kabataan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Glenda pagpapahalaga sa kaniyang kontribusyon sa larangan ng negosyo.

Aniya, "Dahil sa award na 'to, nabuhayan ako. Pina-realized sakin na kahit anong mangyari, nag marka na sa nakararami ang nagawa ko bilang isang mabuting negosyante."

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Dagdag pa niya, dahil sa negosyo niya, dumami ang mga taong umaasa sa kaniya araw-araw kaya naman hindi siya sumuko.

"Pinagkalooban ako ng Panginoon ng talento at biyaya, ang selfish ko naman kung susukuan ko kayo diba?" anang CEO ng Brilliant Skin Essentials.