May cool na sagot si Yassi Pressman sa mga taong nanghuhusga sa kaniya, matapos madawit sa "soft launch" ng relasyon ng kapatid na si Issa Pressman kay Careless CEO James Reid.

Binalikan kasi ng mga netizen ang pagtatanggol niya noon sa kapatid, matapos itong kuyugin ng JaDine fans dahil sa espekulasyong kaya raw naghiwalay sina James at Nadine Lustre ay dahil sa kaniya.

Dahil din dito, nakakaladkad pa ang pangalan ni Yassi sa relasyon umano nina Coco Martin at Julia Montes, noong leading lady pa siya ni Coco sa "FPJ's Ang Probinsyano."

"Smiling cause you don’t know anything about our personal relationships 🤍🤭," ani Yassi kalakip ang mga litrato niya na todo-awra at wafakels sa mga "judgers."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Kung maka-judge!! 🤣"

Nagbigay na rin ito ng daan upang i-promote ni Yassi ang bagong sitcom na "Kurdapya" na mapapanood sa TV-5.

"Ang i-judge nyo nalang ay si Kuring at si Daphne mamaya nang 6PM sa #KURDAPYA ~ at ayan, siguradong mas laughtrip pa!! Sabi nga ni Kuring 'peezawt mga tropapeepz peezawt'."

'Baka rin i-limit ko ang comments section kung may hurtful words, I only welcome positivity, love & kindness here. peezawt!" saad pa ni Yassi.

Ngunit sa comment section ay tila hindi tinantanan ng bashers si Yassi.

"The design is very Valentina parang hair niya."

"The design is very kunsintidor na ate."

"Ammana Accla the design is very user and kunsitidor na Ate."

"The design is very you. The kunsintidor ate of all time!!!!!!"

"SYEMPRE MASAMA KAMI DYAN; KAPATID MO YAN EH!!!!!"

Bukod sa Facebook post ay nagpakawala rin ng buwelta si Yassi sa kaniyang bashers.

https://twitter.com/Yassizzle/status/1636998527166611458

"It's always blood is thicker than water. I love you Yassi, yes u love your sister dearly, pero di porket supportive sister kana it means you're a good ate. People make mistakes but people can also avoid it by not tolerating it. We get your point for protecting Issa, pero pano mo nakayang maging masaya sa pagkakamali ng kapatid mo knowing that she's or you're hurting Nads. Anyway happy for Nadine she deserves to be appreciated and loved!"