Matapos ang isyu ng "soft launch" ng relasyong James Reid at Issa Pressman na naispatang magka-holding hands at sweet sa panonood ng concert ni Harry Styles, nagbahagi naman ng cryptic Instagram story ang kapatid ni Issa na si Yassi Pressman, na bibida sa sitcom na "Kurdapya" sa TV-5.

Mababasa sa kaniyang IG stories ang text caption na "There are always 2 sides to a story… ABANGAN!!" habang makikita sa background ng litrato ang mga dahon ng puno.

Screengrap mula sa IG story ni Yassi Pressman

Netizens, binalikan ang post ni Yassi Pressman hinggil sa pagtatanggol kay Issa noong 2020

Matatandaang binalikan ng mga netizen ang pagtatanggol noon ni Yassi sa kapatid, matapos masangkot sa isyu ng hiwalayan nina James at Nadine Lustre. Si Issa kasi ang itinuturong dahilan ng hiwalayan, kahit na magkaibigan sila ni Nadz.

"Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya," saad ni Yassi noong 2020 kalakip ang larawan nila ni Nadine.