Kinumpirma na nga ni singer-actor James Reid nitong Biyernes ng gabi, Marso 17, ang kaniyang relasyon kay Issa Pressman kasabay ng pagdepensa niya rito laban sa umano'y "past rumors."

Sa Instagram story ni James, pinagtanggol nito si Issa sa mga nagsasabing ito raw ang dahilan ng hiwalayan nila ni Nadine Lustre noong 2020.

Muling lumabas ang nasabing mga alegasyon matapos maglabas ng litrato ang dalawa na magka-holding hands at sweet na magkasamang nanood ng concert ni Harry Styles nitong Marso 16.

BASAHIN: Issa Pressman, may pa-‘soft launch’ kasama si James Reid; netizens, nanggigil?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I'm only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors," ani Reid.

“I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I'm not gonna let anyone take that away from me," dagdag niya.

May pahabol pa ang aktor sa dulo sa kaniyang pahayag na naglalaman kung gaano raw siya kasaya sa mga panahong ito.

"All you need to know me is that I'm the happiest I've ever been," aniya.