NUEVA ECIJA -- Sumuko sa awtoridad ang umano'y dating miyembro ng CPP/NPA/NDF nitong Huwebes, Marso 16.

Kinilala ng Provincial Director ng Nueva Ecija Police na si Col. Richard Caballero ang dating rebelde na si "Ka Allan," 41, residente ng Brgy. Cambitala, Pantabangan, Nueva Ecija.

Si Ka Allan ay dating miyembro ng Samahang Yunit Propaganda (SYP) sa ilalim ng pamumuno ni Josefino Corpuz, na kilalang nag-ooperate sa Nueva Vizcaya at Nueva Ecija mula noong 2003 hanggang 2005.

Ayon sa ulat, nagsanib puwersa sa Special Intelligence Operation ang 2nd Provincial Mobile Force Company (led unit) at iba pang law enforcement units na nagresulta sa boluntaryong pagsuko ni Ka Allan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isinuko rin nito ang cal.38 revolver na may dalawang ammunition at dalawang plastik na bote na naglalaman ng pampasabog.