Ipinasilip ng TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga at asawang si Councilor Mikee Morada sa publiko ang kanilang ipinagagawang bagong bahay.

Makikita sa Instagram post ng aktres na si Alex ang larawan kasama ang asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada na magka-holding hands habang sa likod nito'y ang kanilang ipinatatayong bahay.

“Mga 100 na tumbling nalang. Pasok na mga suki para mas mapabilis matapos.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Pinasalamatan din ni Alex ang kaniyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa pag-aasikaso sa konstruksyon ng bahay.

"Well this post is really to thank daddy and mommy @bopingonzaga_ for handling the construction. #Blessed children!," caption ng aktres.

Binati naman ang mag-asawa ng ilang celebrity:

“Excited ako!!!!!!!!!!!!!,” ani Mariel Padilla.

“Pa mine nung walis tingting sa gilid pag ok na po. Salamat,” pabirong komento ni Luiz Manzano.

“@luckymanzano need namin yan dyan naka-angkla ang pundasyon ng bahay namin," sagot naman ni Alex.

“Excited for you and mikee,” komento ni Dianne Medina.

“Congrats in advance alsy balsy,” ani Melai Cantiveros.

“Where’s my room?” hirit naman ni KC Montero

"😍😍😍," Habang puro emoji naman ang komento ng kaniyang ate na si Toni Gonzaga.

"So happy so thrilled so excited," ani Mars Aquino

"Exciting Lex!!! 😍😍😍," pagbabahagi ni Denise Ochoa