Masayang ibinahagi ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez ang panibagong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa latest vlog ng Unkabogable Phenomenal Superstar, ipinaliwanag nila sa madlang pipol ang kanilang plano.

“Siyempre 'pag wala ako, siyempre mas kailangan mo ng nasa kwarto, 'yung binabantayan mo," lahad ni Ion.

Giit pa ni Vice, mas magiging masaya ang kanilang tahanan kung mayroong dadagdag dito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya 'yung bahay namin, para may mapag-sharean ng saya 'tas mayroon magpapasaya sa'ming bago, mayroon kaming lalambingin, mayroon kaming mamahalin, aalagaa, para lalong maging masaya ang life," aniya.

"So, we plan to have a baby para mas gumanda ang mundo. 'Pag mas maraming masaya, mas maganda ang mundo. Para happy, dadagdagan namin ng member ang family namin para lumaki-laki naman ang pamilya namin kasi dalawa lang kami," dagdag pa niya.

Ang sinasabing “baby” ng couple ay isang black and white na Pomeranian na binili nila sa isang pet shop sa halagang 380,000 pesos.

Kitang-kita ang excitement ng dalawa maging fur parents para sa kanilang bagong baby na walang pangalan sa ngayon.

Mayroon nang higit 400,000 views ang nasabing vlog nila Vice at Ion na mapapanood sa YouTube.