Nasungkit ng isla ng Boracay ang panglimang pwesto sa “Best Island Destination in Asia” pagdating sa DestinAsian Reader’s Choice Award 2023.

Ayon kay Department of Tourism Region VI Regional Director Crisanta Marlene Rodriguez, ang nasabing parangal ng DestinAsian ay makatutulong upang mas palakasin muli ang turismo hindi lamang ng Aklan kundi maging ng buong rehiyon ng Western Visayas.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong nakaraang taon lamang ay napasama rin ang Boracay sa "50 World’s Greatest Places" ng Time Magazine at "World’s Best Islands" sa Conde Nast Traveler Readers’ Choice Award.

Samantala, nakuha naman ng Bali, Indonesia ang top 1 'Best Island Destination' sa Asya ng DestinAsian.

Sinundan ang Bali ng mga isla ng Phuket at Koh Samoi sa Thailand, habang naging pang-apat sa pwesto ang Maldives.

Itinatag umano ang DestinAsian noong 2001 at mula noon ay nakatanggap na ng mahigit sa 40 mga parangal. Ito rin daw ang isang nangungunang travelagaxine sa Asia-Pacific region at kasalukuyang nakakapag-imprenta ng 25,000 kopya bawat isyu.