Muling magpapakita ng husay at galing sa larangan ng entertainment ang Korean pop superstar at "certified 'Pinay" na si Sandara Park. Ito ay matapos ianunsyo na maghohost ang dating 2NE1 member na sa "EPICON festival."

Ang nasabing concert ay gaganapin sa darating na Abril 1 sa SM Mall of Asia Concert Grounds, na dadaluhan ng iba't ibang Kpop personalities mula sa apat na henerasyon.

"Witness her unique style and undeniable talent as she takes on the role of host at EPICON2023 - The Kpop Evolution!" pagpapakilala kay Dara.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

https://twitter.com/neuwave_events/status/1635657986705342465?s=20

Ang presyo ng tiket ay mula P750 para sa Wave 3 section, hanggang P7,500 para sa VIP Wave. Ang pre-sale ay magsisimula sa Marso 18 at ang pangkalahatang onsale ay sa Marso 19 sa pamamagitan ng SM Tickets.

Noong Hulyo nakaraang taon, sorpresang bumisita si Sandara sa Pilipinas para suportahan si BamBam ng GOT7 na nasa bansa para sa mga fansign event at ang 2022 K-Pop Masterz sa Manila concert. May last-minute performance pa siya sa show.

Pagkatapos noon, nagbakasyon siya sa Bohol at Subic.

Kasalukuyan naman siyang naghahanda para sa kaniyang pinakahihintay na solo album.