Ibinahagi kamakailan ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang kaniyang mga sikreto para balansehin ang kaniyang oras sa pagtatrabaho at sa pamilya.

Sa isang panayam kamakailan ng GMA Regional TV BizTalk, ibinahagi ng “Love Before Sunrise” star ang kaniyang sikreto sa pagbabalanse ng kaniyang oras bilang aktor at bilang ama sa kaniyang mga anak.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nang tanungin kung paano niya napagsasabay ito, "time management" at maging "physically fit" ang naging sagot para magampanan ang kaniyang obligasyon pareho sa trabaho at sa bahay.

“Time management, napaka-importante niyan at hindi mo magagawa ‘yan kung mahina ang pangangatawan mo.

“Kailangan maging physically fit ka para magampanan mo ‘yung mga tungkulin mo sa trabaho, pagkatapos non, pag-uwi mo, magampanan mo pa rin ‘yung tungkulin mo naman sa bahay," dagdag pa ng aktor.

Matatandaang noong nakaraang Mayo Noong 2022 nang i-welcome nila ng kaniyang asawang si Jennylyn Mercado ang kanilang unang anak.

Ngayong naghahanda para sa “Love Before Sunrise”, sinabi ng aktor na hindi pa ganoon komplikado ang kaniyang schedule kung kaya't marami siyang libreng oras sa pamilya.