Hindi nakalimot at muling inalala ni Claudine Barretto ang kaniyang naging ex-boyfriend at katambal na si Rico Yan para sa kaarawan nito noong Marso 14.

Kung nabubuhay lamang ang matinee idol na nakilala sa kaniyang trademark na biloy o dimple, malamang ay 48 anyos na ito. Subalit matatandaang noong Marso 29, 2002, natagpuan siyang patay sa kaniyang tinutuluyang kuwarto sa "Dos Palmas Resort" sa Puerto Princesa, Palawan, habang nasa bakasyon. Sinasabing binawian siya ng buhay habang natutulog dahil sa atake sa puso dulot ng acute hemorrhagic pancreatitis.

Anyway, ipinost ni Clau sa Instagram account niya ang litrato ng birthday cake para kay Rico.

"Happy happy Birthday in Heaven Ry.🥹 you will forever be missed,loved & Remembered," aniya sa caption.

Claudine Barretto, inalala ang 47th birthday ng yumaong ex-jowang si Rico Yan

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ito talaga hinihintay ng mga RYCB fans ang makita ang ganitong post mo miss Claudine iloveyou!"

"Happy birthday RY in heaven..ito ung namatay na grabe iniyakan ko siya 😢😢😢5days iniiyakn ko Lang siya di me nakkamove on.."

"Aw..my RYCB heart is full again..Happiest Birthday RY we terribly missed and always loved and remember you..thank you for making us happy @claubarretto your RYCB friends forever..May God always bless and guide you."

In fairness din kay Claudine, walang mintis ang paggunita at pagpupugay niya sa alaala ng kaniyang ex.