Ibinahagi ng aktres, TV host, at vlogger na si Alex Gonzaga na naging kasambahay siya sa loob ng isang araw, sa bahay ng mag-partner na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario.

"Ang saya mag-house maid na naghahouse raid! 2 in 1 eh! Haha thank you whamonette!" aniya sa caption ng kaniyang vlog.

Number 4 trending na sa YouTube channel ang naturang vlog, na pumalo na sa mahigit 1M views na inupload noong Marso 11.

Isa sa mga task na ginawa ni Alex ay painumin ng gatas ang anak nina Whamos at Antonette Gail na si Baby Meteor. Habang ginagawa ito ay nagawang makipagkulitan at magsagawa ng panayam si Alex sa kanilang dalawa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bukod dito, nagkaroon din siya ng pagkakataong ma-house tour ang bahay ng mag-partner.