Ibinahagi ni "Darna" Jane De Leon na naaksidente ang kaniyang ina noong Biyernes, Marso 10, kaya pansamantala siyang hindi aktibo ngayon sa social media.

Hindi idinetalye ni Jane kung ano ang nangyari sa kaniyang ina, subalit ayon sa kaniyang update, sumailalim sa surgery ang kaniyang ina at personal niya itong binabantayan.

"Our mom got into an accident last Friday and today is her surgery. It breaks my heart to see her in this situation. I'm doing my best to stay positive and make her smile even though she’s in pain," aniya.

"Also, sorry if I'm inactive. We are taking care of our mom. I want to thank all the people who helped us. Thank you @ellemendoza_ @paulpatrickjuan for accompanying me yesterday! Please pray for the success of our mom's surgery."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Bumuhos naman ang simpatya at pagdamay ng mga celebrity at netizens para kay Jane at sa kaniyang ina.