Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Camarines Norte nitong Lunes ng gabi, Marso 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 6:24 ng gabi.
Namataan ang epicenter ng lindol 9 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tinaga Island ng Vinzons, Camarines Norte, na may lalim na 1 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Vinzons, Camarines Norte habang Intensity II naman sa Nabua, Camarines Sur.
Samantala, naiulat ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Polillo, Quezon; Mercedes, Camarines Norte; Sipocot, Camarines Sur
Intensity II - City of Iriga, at Ragay, Camarines Sur
Intensity I - Guinayangan, Gumaca, at Mauban, Quezon
Inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Wala naman umanong posibleng aftershocks na mangyayari dahil sa nasabing lindol.