Hindi pa tapos ang aktor na si Joseph Marco sa kaniyang mga "patakam!"

Muli na namang nagbahagi ang aktor ng kaniyang litrato kung saan flinex niya ang kaniyang ineendorsong undergarment, na talaga namang ikinawindang ng mga netizen.

"Let your underwear do the talking," mapanuksong caption ni Joseph Marco sa kaniyang Instagram post.

Joseph Marco, pinayagan ng parents bago 'nambilaok'

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"-1000 pts kayong lahat na nag zoom"

"Luluhod na po"

"Okay motivated na ulit sa buhay"

"Sorry po kuya na-zoom ko"

"Yun oh. Di ko alam kung brip yung binenebenta o pipino."

"Your underwear and me are going to have a looooonggg conversation."

"Titikman…"

"Malaki ngaaaaa"

"D.A.K.S"

Ayon sa ulat, may basbas naman daw ng kaniyang mga magulang ang aktor bago siya napapayag na gawin ang "pabukol" sa kaniyang underwear endorsement, na talaga namang nagpabilaok sa mga netizen at kapwa celebrities, gaya na lang ni Rosanna Roces na nakasama niya sa action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano."

Sa press conference ng kaniyang pelikula noong Marso 8, seryosong sinabi ni Joseph na malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang parents na pinayagan siyang "magpabakat" na talagang nambulabog at nagpalaki sa mata ng mga nakakita at nakasilay na netizens. Nasanay kasi ang mga tao na hanggang pa-abs lang ang kaya niyang ipasilip.

Pero take note, hindi raw naging komportable si Joseph sa kaniyang ginawa. Aminadong nabalisa at medyo na-stress nang slight matapos i-post ang litrato sa social media.

Sa kabilang banda, hindi naman daw ibig sabihin nito na handa na siyang sumabak sa daring at sexy roles.