Kinumpirma ng Vivamax star na si Ava Mendez na hiwalay na sila sa rapper na si Skusta Clee.

Matapos ang ilang buwan na napabalitaang may relasyon ang dalawa, kinumpirma ng aktres na si Ava na hiwalay na sila ni Skusta.

Buwan ng Enero nang sila ay naging usap-usapan na engaged na pero nilinaw ng aktres na naglalaro lang sila ng Pinoy Henyo noon.

Gayunpaman, sa virtual press conference ng Vivamax film na "Domme", ani ng director Roman Perez, Jr. “Single siya ngayon. Kaya mas nakakapag-isip siya nang maayos.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Yes. Single ako. At mas gusto ko ng rap in English. Basta walang nangyari sa amin, wala naman akong naramdamang kahit ano!,” ani Ava.

Ang pelikulang “Domme” na ang ibig sabihin ay dominatrix, ay ang kaniyang "biggest break" sa pag-aakting ngayong darating na Marso 17.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Skusta Clee ukol dito.