Tapatang inamin ng celebrity-singer na si Selena Gomez na nagsinungaling siya nang sinabi nitong hindi siya apektado sa mga pangba-bash ng social media trolls.

Ani Selena, naiiyak na lamang siya sa tuwing nakakatanggap siya ng mga negative comments, partikular na ang body shame, sa tuwing nag-uupload siya ng larawan ng kaniyang katawan.

"I lied. I would go online and I would post a picture of myself and say, 'I doesn't matter. I’m not accepting what you’re saying'—all the while being in the room posting that, crying my eyes out, because nobody deserves to hear those things," anang singer sa panayam na pinamagatang "Dear…" ng Apple TV+.

Aniya, "I was posting these things saying it doesn't bother me because I didn't want it to bother other people who are experiencing the same thing—getting shamed for what they look like, who they are, who they love. I just think it's so unfair. I don't think that anybody deserves to feel less than."

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Matatandaan na na-diagnose si Gomez na may lupus noong 2014 at kalaunan ay sumailalim sa kidney transplant. Dahil dito, ang timbang niya ay patuloy na nagbabago dahil na rin sa mga iniinom nitong gamot.

Inamin din ng singer na nahihiya siya sa pagdagdag ng kaniyang timbang.

"It was like they couldn't wait to find a thing to bring me down. I was being shamed for gaining weight because of my lupus."