Hindi pa humuhupa ang isyu patungkol kay dating Kapamilya star Liza Soberano!

Usap-usapan naman ngayon ang naging pahayag ng dating creative manager ng seryeng "Forevermore" na unang hit project noong 2014 na pinagsamahan nina Liza Soberano at Enrique Gil, kaya nabuo at pumatok ang kanilang tambalang 'LizQuen."

Ayon sa post ni "Jay Fernando," nalulungkot siya sa mga naging rebelasyon ni Liza dahil pakiramdam niya, nakipagplastikan lamang ito sa kanila.

“Forevermore lang ang naging project ko with Hope. I liked her then. I thought she liked us too nung nasa Baguio kami at nagtratrabaho. I thought she liked what she did. I wished she did."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Back then I thought we created magic, brought La Presa to and created a beautiful moment in out lives. Hanggang ngayon nakatayo pa rin yun dun. I guess that’s how it is, nakikipagplastikan lang pala siya."

"I hope she finds success and joy in wherever she would like to go after burning bridges. More than that i hope she find herself and be well," mababasa sa post ni Fernando.

Screengrab mula sa FB ni Jay Fernando via Kapamilya Online World IG

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Liza tungkol dito.