'Life begins at 40'

Ngayong 40 na ang television host na si Bianca Gonzalez-Intal, sinabi nitong mas masaya, payapa, at mas kontento na sa kaniyang buhay.

"40.Aaaaah I have never been happier, more content, more at peace, more fulfilled and more grateful than I am now," ani Bianca kalakip ang isang self-portrait na kuha ng celebrity fashion photographer na si BJ Pascual.

Hazing, muling isinusulong na wakasan!

Nagpasalamat naman ang TV host sa mga nagpadala ng mga mensahe sa kaniyang kaarawan.

Sinopresa naman si Bianca ng kaniyang asawa na si JC Intal ng mga bulaklak.

"My BEST GIFTS EVER are you three, @jcintal7, Lucia and Carmen. I am the luckiest girl in the whole world to be showered by your love every single day!! I often wonder what good I've must've done in my life to deserve you three #40th," caption ni Bianca sa kaniyang Instagram birthday post.