Kinakiligan ng mga netizen ang birthday message ni Kapamilya actor Gerald Anderson para sa kaniyang jowang si Julia Barretto na makikita sa kaniyang Instagram post kahapon ng Biyernes, Marso 10.

Kalakip ng IG post ni Gerald para sa 26th birthday ni Julia ang kanilang mga litrato, na nagpapakita ng kanilang sweet moments.

Ayon kay Gerald, si Julia ang isa sa mga taong nagpu-push sa kaniya upang makamit ang kaniyang goals sa buhay, at sa palagay niya, mas importante ang mga ganitong tao sa buhay niya kaysa sa mismong goals na nais niyang makamit.

"The rare people in your life that root for you to achieve your goals,are more valuable than the goals themselves ❤️ Happy Birthday I❤️U," ani Gerald.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"I ❤️ you!" tugon naman dito ni Julia.

Kinilig naman ang mga tagahanga nila at sinabing deserve ng dalawa ng happiness na natatamasa nila ngayon.

"You deserve all the love and happiness in the world, happy birthday."

"They can say anything they want to say, but it’s their hearts that will tell."

"Happy Birthday! We love you!"