Pagkatapos ng samo't saring rebelasyon sa interbyu ng dating Kapamilya actress Liza Soberano tungkol sa kaniyang showbiz life at sa 14-minute vlog, naiingayan na umano ang netizens sa mga balita patungkol sa kaniya.

Bukod pa kasi sa motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador, ayaw na rin umano ng netizens na makabasa pa ng mga isyu tungkol sa aktres. Dagdag pa nila, nakakasawa na umano ang paulit-ulit na balitang sangkot ang pangalan ng aktres.

Narito ang komento ng netizens:

"Parang naging taklesa na siya."

Liza Soberano, tahasang inaming nasaktan siya sa komento ni Boy Abunda: 'I felt misunderstood by you'

"Wala na bang ibang balita bukod kay Liza Soberano, paulit-ulit."

"Hindi na siya nag-iisip. Doon na lang siya sa Hollywood doon naman niya gusto."

"Tinalo niya pa si Rendon Labador eh. Hahaha."

"Dami niyang problema sa showbiz sa Pinas, dito pa siya nag-ingay."

"Another for clout?"

Matatandaang pinagpiyestahan sa social media ang mga pahayag ni Liza sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, Marso 10, matapos aminin ng aktres na nasaktan umano sa reaksiyon ni Boy Abunda tungkol sa kaniyang viral vlog.

Dagdag pa ng aktres na nagsabi lang siya ng totoo sa kaniyang vlog at walang iba pang kahulugan o patama ang vlog na ibinahagi niya.

Payo ng netizens kay Liza, sana huling beses na niya itong magpa-interbyu upang maiwasan ang pambabatikos ng netizens sa kaniya at hindi na mas lalong lumala pa ang isyung kinakaharap niya.

Samantala, sigurado naman ang netizens na inaabangan na ng mga marites ang karugtong na episode ng rebelasyon ni Liza sa viral TV show na Fast Talk with Boy Abunda ngayong darating na Lunes.