Kulong ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos mahulihan ng ₱340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Marawi City, Lanao del Sur kamakailan.

Hindi na nakapalag ng suspek na si Samad Sumangan Bagul, alyas "Opao" na taga-Barangay Cairatan, Mulondo, Lanao del Sur, matapos dakpin ng mga tauhan ng Marawi City Police Station 1st Police Mobile Force Company, Lanao del Sur Police Provincial Office at Provincial Drug Enforcement Unit ng lalawigan sa Brgy. Sugod, Marawi nitong Marso 9 ng hapon.

Nasamsam ng pulisya ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000 at marked money.

Ayon sa mga awtoridad, matagal na nilang minamanmanan ang suspek kaugnay sa pagbebenta nito ng illegal drugs sa lungsod at sa iba pang lugar sa probinsya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang suspek ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.