Ilang araw pa lamang ang lumipas mula nang ilabas ang kaniyang kauna-unahang vlog, tumabo na agad sa mahigit 100,000 subscribers ang YouTube channel ng singer-actress na si Nadine Lustre. 

Agad na nag-viral ang kauna-unahang vlog ni Nadine na may titulong “My Name is Nadine” na nagpapasilip at nagsasalaysay ng ilang mahahalagang detalye noong panahon ng kabataan ng aktres.

Nadine Lustre, ipinasilip ang 'fun and memorable childhood'

Sa Instagram post ni Nadine nitong Biyernes, Marso 10, nagpasalamat siya sa 100,000 subscriptions ng kaniyang channel.

"Thanks for the 100k subscriptions on youtube!"

Dahil sa milestone na ito, maaari nang makakuha ang aktres ng silver play button mula sa YouTube.

Congratulations, Nadine!