Kinukpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Huwebes, Marso 9, na natagpuan na ang nawalang Cessna 206 sa Isabela noong Enero 24.

Ayon sa PDRRMO, inaalam pa ang kondisyon ng limang pasahero at isang piloto na sakay ng nasabing eroplano.

Kabilang sa sakay ng eroplano ang pilotong si Capt. Eleazar Mark Joven, at mga pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra, Xam Seguerra, at Josefa Perla España.

BASAHIN: 6 sakay ng nawawalang Cessna plane sa Isabela, natukoy na!

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Iaanunsyo umano ng ahensya ang iba pang detalye hinggil sa natagpuang Cessna plane.

Matatandaang nawala ang Cessna 206 noong Enero 24 matapos mag-take off mula sa Cauayan Airport sa Isabela bandang 2:15 ng hapon papunta sa bayan ng Maconacon.