Usap-usapan ngayon sa social media ang makahulugang tweets ni Kapuso actress at isa sa mga bida ng "Mga Lihim ni Urduja" na si Kylie Padilla.

Ibinahagi kasi ni Kylie ang isang litrato niya kung saan suot ang isang sultry outfit. Marami sa mga netizen ang humanga sa taglay na ganda ng aktres, kahit may dalawang anak na siya.

Ngunit ang pinag-usapan ay ang cryptic caption nito.

"Its never my fault lol," aniya.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Screengrab mula sa Twitter ni Kylie Padilla

Sa isa pang tweet, sinabi niya na "Enough talk just do, prove what you say that will shut people up."

Screengrab mula sa Twitter ni Kylie Padilla

Naintriga naman ang mga netizen at iniisip kung sino ba ang pinatatamaan ng aktres.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kylie tungkol dito.