Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang "Kadiwa ng Pangulo (KNP) Para sa Manggagawa" sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Central Office sa Quezon City nitong Miyerkules.

Ayon sa Pangulo, ang pinakahuling KNP outlet ay bahagi ng pagpapalawak ng Kadiwa centers sa buong bansa upang matulungang kumita ang mga magsasaka, mangingisda, at micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng direct farm-to-consumer trade.

“Ito po ay aming sinimulan noong Pasko at nakikita po naman na natin na pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin kaya’t ginawan namin ng paraan. At binalikan natin ‘yung dating sistema na idirekta na mula sa mga magsasaka hanggang dito sa Kadiwa ay hindi na dumadaan kung saan-saan pa na middleman,” pagdidiin ng Pangulo.

“At kung anuman ang pangangailangan upang madala ang produkto sa Kadiwa ay ang gobyerno na ang gumagawa para sa ganoon aymakapagbilitayo –maipagbibilinatin itong mga bilihin na hindi kagaya sa mga supermarket na napakamahal na kundi ay naibaba natin ang mga presyo,” aniya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Bahagi aniya ito ng programa ng pamahalaan upang malabanan epekto ng pagtaas ng inflation sa bansa.

“Kaya’t nakikita natin marami tayong nababalitaan na nagtataasan ang presyo. Dito po sa Kadiwa ay makikita natin na malaki ang savings, malaki ang bawas doon sa presyuhan. At kaya naman ay sinimulan namin ito noong Pasko, may Kadiwa ng Pasko. Tapos sabi ng tao ay gusto naman natin ‘yung Kadiwaba’tniyoititigil pagkatapos mag-Pasko? ‘Di ipinagpatuloy namin hanggang naging Kadiwa ng Pangulo,” dagdag pa ng punong ehekutibo.