Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang probinsya ng Davo de Oro nitong Lunes ng madaling araw, Marso 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 4:43 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter ng lindol 22 kilometro ang layo sa timog-silangan ng New Bataan, Davao de Oro, na may lalim na 2 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa New Bataan, Maco, at Mawab, Davao De Oro, habang Intensity III naman sa Nabunturan, Davao De Oro.

Naiulat naman ang Intensity II sa Laak, Davao De Oro, at Intensity I sa Bislig City, Surigao del Sur.

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Nabunturan, Davao De Oro

Intensity II - Davao City, Davao Del Sur.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magkaroon ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Pinag-iingat din nito ang mga residente para sa mga posibleng aftershocks.