Ibinahagi ng hunk actor na si Aljur Abrenica ang bonding moments nila ng mga anak na sina Alas at Axl sa isang resort sa Zambales.

Sina Alas at Axl ay anak nina Aljur at estranged wife Kylie Padilla.

Makikita sa mga litrato na masayang nag-bonding ang mag-aama.

Ngunit bukod sa mga ito, hinulaan ng mga netizen kung sino ang kumuha ng pictures.

AJ Raval, tinawag umanong 'sira-ulo' mga nagsasabing nanganak siya: 'Nananahimik ako rito!'

Wala kasi sa eksena si Kylie, kaya malamang, ang girlfriend ni Aljur na si AJ Raval ang kasama nila.

Hinanap tuloy ng mga intrigerang netizens kung nasaan naman daw ang "anak" nina Aljur at AJ. May mga nagsabi namang si Kylie na lang ang kulang, at sana raw si Kylie pa rin ang kasama.

Matatandaang inintriga si AJ na nagbuntis at nanganak na raw ito, bagay na pinabulaanan naman niya.

"Dapt Sama mo si Aj at ank nyo.. Pra happy fam…"

"Masarap sana kong buo ang pamilya"

"Wala na may kanya kanya na silang sinamahan ang ending paasa lang sila na ok lang sa mga bata for now wala pang muwang mga bata pag laki nila paniguro hindi ganyan ang gusto nilang buhay broken family kaya dapat esep esep muna bago mag asawa at gumawa ng bata kase ang mga bata ang tiyak na apektado sooner haiiissst"

"Mas ok nang ganyan binibisita ang mga anak hindi mn tlaga para s isat isa mga magulang ng mga bata importante nakikita parin yung pg care ng isang magulang hanggang paglaki dapt mgkaroon pa din sila at matuto ng respeto balang araw maiintindihan dn yn ng mga bata paglaki nila . Yaan n ntin mambae yan si aljur buhay niya yan or even kylie gnyan talaga ang buhay minsan masaya minsan hindi."

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon sina Aljur o AJ tungkol dito.